“Hays , ito na namang kakambal ko , wala nang ginawa kung di matulog nang matulog , osya makababa na nga at makapagluto “
Agad namang bumaba si Alyssa at iniwan sa kanilang kwarto si Alexa
Pag baba ni Alexa nakita nya ang katulong nila sa bahay na si Mang Bert , si Mang Bert ay 56 years old na , wala nang pamilya at matagal nang katulong nang kanilang pamilya kaya parang pamilya narin ang turing nila dito , at kung bakit siya nandito sa bahay namin ay dahil ang kundisyon nang pag payag nang daddy ko na manirahan kami nang sarili namin ay sasamahan kami dito ni Mang Bert sa bahay
“Magandang umaga po Mang Bert” pagbati nang dalaga sa matanda
“Aba ineng ang aga mo ata gumising ngayon ?”
“Ano ka ba Mang Bert , parang di naman talaga gantong oras gising ko , araw araw naman ako maaga gumising”
“Osige iha sabi mo eh , osya magwawalis muna ako sa terrace may gagawin ka ba ?”
“Opo Mang Bert magluluto muna ako nang almusal at maliligo narin at may pupuntahan ako “
“Ahh ganun ba iha ?” Sabay alis ni Mang Bert at dumeretso na sa terrace dala ang walis at pandakot















