“Mahina ka parin Guille hanggang ngayon” sabi ni Lorenzo nung sinuntok niya si Hen. Pinayporn Romualdo ang pag-atake sa taong nakahood at sumugod ang mga Taong Lobo papunta sa kanya na tumakbo naman ito papunta sa kanila. “Kalaban ba siya o kaalyado?” tanong ng Hari “kami na po ang bahala kamahalan!” sabi ng isang Lobo at sinugod nila ito para tingnan kung kaalyado ba nila ito o hindi, habang naglalaban ang iba yung tatlo naman ang pumunta sa taong nakatayo sa ilalim ng pinto. Samantala, binato ni Lorenzo ang isa sa espada niya na hinampas ito ni Julian kaya nasaksak ito sa lupa kaya agad siyang umabante na nag-espadahan silang dalawa at nung nakita niyang me hinila si Lorenzo agad siyang tumalon sa kaliwa niya kaya nailagan niya ang espada ng ama niya. “Hmp! pa ako… tapos…” sabi ni Benson “hindi, tapos kana!” sagot ni Marawi sabay saksak nito sa espada niya sa likod ni Benson na napanganga nalang ang Bampira at sumuka ito ng dugo nung binaon pa ni Marawi ang espada niya sa likod niya.















